Pula ang mga mata sa puyat at sa iyak
ng pusong dumudugo mula sa mga sugat
na sarili ang nagdulot ng walang panghihinayang
at walang pagnanais ng maiging kagalingan.
Sarado ang mga tainga sa katahimikan
na tila nilalamon ang mga dagundong
ng mga hikbing lumalabas sa bibig
dahil sa pilit na binabaon na pag-ibig.
Paos ang lalamunan buhat ng mga salitang
binitawan at mga salitang itinago nang harapan
sa gitna ng tampuhan at pag-aaway
na sa dulo ay tila nawalan ng saysay.
Translated, roughly:
Eyes, red from sleepless nights and tears
of a heart bleeding from multiple tears
that are self-inflected but without regret
and no desire to hastily recuperate.
Ears, closed to the endearing silence
that seemingly swallow the echoes
of tiny sobs that escape the mouth
because of love being forced south.
Throat, sore from the myriad of words
thrown and of words hidden upfront
in the midst of dissent and falling out
that loses meaning at the end of the bout.